120

Sep 23, 2020 @ 21:17
By

Maja Salvador goodbye ABS-CBN na

Napaalam na sa ABS-CBN si “Wildflower” star Maja Salvador.

Sa kanyang Instagram post sinabi ni Maja na huwag na raw magulat kung mapanood siya sa ibang network.

Nagpasalamat siya sa mga sumuporta sa kanya habang nasa bakuran ng ABS-CBN.

“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN. Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si. MR.M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita n’yo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma,” post ni Maja.

“Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. maraming salamat po.”

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?