141

By

Maja sa cheating issue ni Gerald: Lahat tayo tao, nasasaktan

Naitanong kay Maja Salvador ang tungkol sa kinasasangkutang cheating issue ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Ayon kay Maja, ayaw niyang mag-comment o makisali sa naturang isyu dahil masaya siya ngayon.

Pinayuhan naman nito ang mga tao na huwag nang gatungan pa ang isyu dahil lahat naman ng tao ay nasasaktan.

“Sana hayaan natin silang lahat mag-heal dahil hindi madali ang may mga pinagdadaanan. So ‘wag na tayong sumabay, ‘wag na nating gatungan kasi at the end of the day lahat tayo tao, nasasaktan at mas marami pa tayong bagay na dapat asikasuhin at mas importante,” saad ni Maja.

Bibida si Maja sa upcoming ABS-CBN teleserye na “The Killer Bride” kasama sina Joshua Garcia at Janella Salvador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?