31

Sep 22, 2020 @ 17:20
By

Maja nagpa-kikiam, fishball

Milyonarya na sa YouTube subscribers si Maja Salvador matapos itong umabot sa isang milyon.

Kaya naman nag-“street food party” siya noong Sept. 20 para i-celebrate ito.

“1M Subscribers na tayo sa youtube channel ko. Salamat sa pagsama sa masayang journey na ito. Marami pa tayong pagsasamahan mga beshies,” anang aktres.

Ani Maja, naisipan niyang gumawa ng YouTube channel para makilala pa siya nang personal ng kanyang mga fan.

“‘Yung Maja na hindi n’yo napapanood sa TV, hindi sumasayaw sa stage o sa mga pelikula. ‘Yung ako mismo, ‘yung walang ibang character na ginagawa,” sey niya.

Ka-join ni Maja sa inihanda niyang fishball, kwek kwek, kikiam at hotdog party ang mga mahal niya sa buhay kabilang ang boyfriend na si Rambo Nuñez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?