Maja
By

Maja magpapaligaya ng mga boylet sa Cebu, S’pore

Sharing is caring!

Pahinga muna si Maja Salvador sa pakikipag-away, bugbugan next month, dahil magpapaligaya naman siya nang live sa stage, sa pamamagitan ng pagsayaw, pagkanta. Kilala si Maja na mahusay gumiling, at singer din ang hitad, ‘di ba?

Kaya sa comeback concert niyang ‘Maja On Stage’, siguradong magpi-fiesta ang fans niya sa IEC Convention sa Cebu this coming February 4.

At suwerte ang mga taga-Cebu, dahil after ng concert sa kanila, abroad naman ang destinasyon ni Maja. Ang bongga lang na sa The Big Box East Jurong, Singapore naman siya magpapasaya sa Feb. 18, 2018.

And after that, balik Pilipinas siya, dahil ang Maja On Stage ay mapapanood naman sa KIA Theater on March 23.

“Nung sinabi na may plans about concert and ano magiging title, sinabi ko lang na parang sa buong 2017, nagpaka-actress ako, nag-Wildflower lang ako the whole year, di ba? So parang 2018, sasampa ulit ako ng stage,” sabi ni Maja.

“Eh forever love ko ‘yon. Forever love ko ‘yong pag-sho-show kaya hindi man kami magsama, magkahiwalay man kami ng ilang taon, pero babalik-balikan ko sya,” dugtong ni Maja.

Pangako ni Maja na mas magiging explosive ang concerts niya ngayong 2018.

“Siyempre, not the same as sa MOA, sa mga naging concerts sa Music Museum, kasi siyempre we want something new naman lagi. So, iba yung atake sa music, sa sayaw,” she explained.

“Dito sa first show, parang wala kaming director, so kami-kami. Parang kung ano yung concept ng choreographers ko ganon.”

At para mas maging mainit ang concert niya, makakasama rin niya ang hunky Kapamilya stars na sina Joseph Marco, RK Bagatsing and Vin Abrenica, as well as her comedian friends Kakai Bautista and Pooh on some shows.

“Siguro sa lakas din ng Wildflower yung mga producers yung may gusto na kasama si Vin, si RK and Joseph. Tapos may Kakai and Pooh. Syempre si Kakai, kaibigan ko. And si Pooh, magaling na komedyante naman yon, diba? At nag-trending yung tour naming yon sa Canada,” sabi ni Maja.

For tickets on Maja On Stage in Cebu just call Mav at 0926-0747776/02-4306870, Christina 0937-2506848, Robinsons Galleria 0932-5110962, Rallion at 09219221796 and IC3 Office: 343-4854

For tickets on “Maja On Stage” in Singapore on Feb. 18, 2018 please call 914-401-87.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?