226

Dec 6, 2017 @ 13:07
By

Maja kinabog na si Angel bilang action queen

LAHAT ay gagawin si Maja Salvador para lang sa ikagaganda ng teleserye niyang Wildflower sa ABS-CBN 2. Gagawin ng aktres ang lahat para lang mapataas pa ang rating ng kanyang action-drama soap opera.

Nagulat at humanga ang netizens sa video na pinoste ng aktres sa kanyang Instagram na kuha sa isang action scene niya sa Wildflower. Buwis-buhay si Maja sa pagkakasabit niya sa helicopter habang mahigpit siyang nakakapit sa paanan ng helicopter at kumakawag-kawag ang kanyang mga paa.

Ilang segundo ring nagkakakawag si Maja at saka inakyat ang paanan ng helicopter at kinabog nang kinabog ang pintuan. Ito ‘yung eksenang pilit hinabol ni Maja si Zsa Zsa Padilla bilang si Red Dragon na tatakas sa batas, pero hinabol ito ni Maja sa character niya bilang si Lily Cruz.

Nasa 20 o 30 feet yata ang taas ng eroplano habang gumagawa ng kanyang stunts si Maja, at ngayon pa lang, idinireklara na nga na action queen ng ABS-CBN 2 ang dalaga.

Kung si Angel Locsin ang tinaguriang action queen noon dahil hindi ito nagpapa-double sa kanyang stunts particular sa Darna serye, Asian Treasures na mga teleserye niya noon sa GMA 7, tila naipasa na nga ang korona niya kay Maja na walang habas kung gumawa ng stunts.

Kahit si Pia Wurtzbach ay naloka sa nasilip niyang video.

“OMG! Ibigay na ang korona kay Lily Cruz!” sabi ni Pia.

Naka-boots with heels pa si Maja at makikita sa video na walang foam na nakaabang sa baba para sa kung sakaling malaglag ang aktres ay safe itong babagsak. Pinapalakpakan si Maja ng kanyang followers sa IG dahil sa ginawa niya. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?