39

By

Maja buwis-buhay sa pagkakakapit sa helicopter

Sharing is caring!

Walang hindi puwedeng gagawin si Maja Salvador para lang sa kanyang teleserye ang “Wildflower” na mapapanood sa ABS CBN 2.

Wala ring hindi gagawin ang aktres para lang sa pagmamahal niya at masiguradong hindi bababa ang ratings ng kanilang action drama soap.

Kamakailan lang nagulat at humanga ang netizen sa video na pinoste ng aktres sa kanyang Instagram account na kuha sa isang action scene niya sa WF.

Ang nasabing video ay behind-the-scene short footage at non-pro shot ng Production Assistant marahil ni Maja nong mga sandaling iyon.

Buwis-buhay si Maja sa pagkakasabit niya sa helicopter habang mahigpit siyang nakakapit sa paanan ng chopper at kumakawag ang kanyang paa.

Ilang segundo ring nagkakawag si Maja at saka inakyat ang paanan ng helicopter at kinabog nang kinabog ang pintuan.

Ito yung eksenang pilit hinabol ni Maja si Zsa Zsa Padilla bilang si Red Dragon na tatakas sa batas, pero hinabol ito ni Maja sa character niya bilang si Lily Cruz.

Kahit si Angelina Jolie na kilala bilang action queen sa Hollywood kapag napanood nito ang buwis-buhay at walang double na action scene ni Maja.

Nasa 20 o 30 feet ata ang taas nang eroplano habang gumagawa ng kanyang stunts si Maja na siyang nagluklok sa aktres bilang action queen ng ABS CBN 2.

Kung si Angel Locsin ang tinaguriang action queen noon dahil hindi ito nagpapa-double sa kanyang mga stunts particular na sa Darna serye, Asian Treasurs na pawang mga show niya sa GMA 7, tila naipasa na ang korona kay Maja na walang habas kung gumawa nang stunts.

Maging si Pia Wurztbach ay naloka sa nasilip niyang video.

@piawurtzbach. “OMG! Ibigay na ang korona kay Lily Cruz!”

“Maha just owned all of us.”

Naka-heels-boots pa si Maja at makikita sa video na walang foam na naka-abang sa baba para sa kung sakaling malaglag ang aktres safe itong babagsak.

Pinapalakpakan si Maja sa mga comments ng kanyang mga followings sa IG dahil sa ginawa nito. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?