9

By

Maja ayaw kumawala kay Ivy Aguas

Sharing is caring!

Aminado si Maja Salvador na nahihirapan siyang mag-move on bilang Ivy Aguas matapos subaybayan ng mga manonood ang makulay nitong buhay sa teleseryeng Wildflower na nagwakas noong Biyerenes.

“Sabi ko nga, sa boyfriend madali ako mag-move on pero sa character kong si Ivy Aguas, matagal-tagal. Sobra akong na-in love sa kaniya. Sobra ko siyang minahal na hahanap-hanapin ko ito,” sabi ni Maja.

Dinumog ng fans ang ginanap na live screening at mall show ng Wildflower finale sa Robinson’s Place sa General Trias, Cavite noong Biyernes.

“Sobrang iba ‘yung pakiramdam, iba ‘yung kasiyahan na nararamdaman namin. Mahirap man mag-goodbye pero kailangan talaga,” sambit pa rin ni Maja.

Viewing pa lang sa activity area ay hindi na magkamayaw ang mga manonood sa hiyawan dala ng tensyong dulot ng final episode kung saan nagpalitan ng putok ang mga karakter nina Maja Salvador, Aiko Melendez, at Tirso Cruz III. Ginulat din ni Karylle ang lahat sa kanyang role bilang tagapagmana ni Red Dragon na ginampanan naman ng kayang inang si Zsa Zsa Padilla.

Maging ang cast na nanonood din backstage ay tutok din lalo pa at doon lang din nila napanood ang kanilang pinagpagurang finale.

Mas dumagundong pa ang tilian sa Robinson’s Place unng isa-isa na ngang lumabas sa stage ang cast para sa Wildflower Pasasalamat Show.

Talagang mahal na mahal ni Maja ang kanyang naging role bilang Ivy o Lily dahil nagpagawa pa ito ng espesyal na t-shirt na nakaimprenta ang isang artwork niya bilang bride in black at may text na ‘I am indestructible’. Pinamigay at hinagis niya ito sa audience kasama ang limited edition din na caps.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?