96
Gunman na napatay sa shootout sa Quezon, anak ng alkalde
Mar 3, 2020 @ 20:51
By

Mais vendor itinumba ng tandem

Dead on the spot ang isang vendor matapos barilin ng riding in tandem habang nagtitinda ng mais sa kanilang lugar sa Barangay Commonwealth, Quezon City, Martes ng hapon.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Japy Bayabay, 32, may live-in partner, vendor, tubong Negros Occidental at residente ng Kamagong St., Brgy. Commonwealth.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Ever Commonwealth dakong ala-1:20 ng hapon, Marso 3.

Abala umano sa pagtitinda ng mais sa kanilang lugar ang biktima kasama ang kanyang bayaw na si Jopet Catulong nang biglang dumating ang mga suspek at malapitang binaril ang biktima.

Nang matiyak na wala nang buhay ang vendor ay mabilis na tumakas ang mga suspek dala ang hindi pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa pamamaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?