66

Nov 8, 2017 @ 15:38
By

Maintenance ng MRT-3, hindi pa kaya ng gobyerno — Biazon

Naniniwala si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na kailangan ng transition process sa paglipat ng maintenance ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) mula sa pribadong sektor patungo sa gobyerno.

Ginawa ni Biazon ang pahayag matapos putulin ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata sa Busan Universal Rail Inc. (BURI) para sa maintenance ng MRT-3.
Paliwanag ni Biazon, baka hindi pa sapat ang kakayahan ng gobyerno na hawakan ang maintenance sa araw-araw na operasyon ng tren na madalas ang aberya.

“At this point, hindi ko pa nakikita na kaya na ng government. We have to raise pa kung ano ba talaga ‘yung capability natin. Do we have sufficient manpower, sufficient resources to immediately address the problem?” paliwanag ni Biazon.

Sabi pa ng kongresista, kailangan munang tutukan ng gobyerno ang technical capability sa pagmantina ng pasilidad.

“May kakayahan ba, meron bang sufficient na bilang ng tao ang government to do the maintenance? That’s part of the technical capability,” sabi ng kongresista.

Ayon pa kay Biazon, gaya ng sinabi ni Transportation Usec. Cesar Chavez, kailangang bigyan ng sapat na panahon ang gobyerno para maresolba ang mga isyu sa MRT-3.
Pero humihingi ng timeframe ang mambabatas dahil dapat naman aniyang alam na ng DOTr ang problema kaya may ideya na ito kung hanggang kailan tatagal ang pagsasaayos sa serbisyo ng tren.

“In this case, dapat alam na nila kung ano ang problema ng MRT. They should be able to give us a timeframe and we should hold them accountable to that promise,” giit ng mambabatas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?