39

By

Maine umeksena sa premiere night nina Jose-Wally-Paolo

Sharing is caring!

Rumampa sa red carpet si Maine Mendoza sa premiere night ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies last Monday night sa SM Megamall. Take note na tinapos ni Meng ang buong pelikula at kahit na nga kinuyog siya ng fans na dumayo, wala siyang pakialam basta nakasuporta siya sa tatlo niyang Lolas – Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Agad ngang nag-tweet ang ‘apo’ ng tatlong Lolas matapos mapanood ang movie.

“Trip Ubusan The Lolas vs. Zombies: horror, action, comedy at drama successfully rolled into one film! Pwera biro at bias, maganda siyang pelikula. So proud of everyone! Showing na on Nov. 22, mga dabarkads!” tweet ni Maine.

Walang halong press release ang tweet ni Maine. Hagalpakan ang audience sa sinehan kapag umarya na sa pagpapatawa ang tatlong Lolas. Wala silang sapawan sa isa’t isa kaya naman bentang-benta ang mga antic nila. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?