62

Dec 22, 2017 @ 16:28
By

Maine umalalay sa namatayan ng dyowa

Posibleng maging mag-BFF (bestfriends for life) sina Maine Mendoza at si Janica Nam Floresca na girlfriend ng yumaong Hashtags member na si Franco Hernandez.

Well, malamang kasi bukod sa pareho silang may hugot sa kanilang personal na buhay, magka-level naman daw ang dalawa sa estado nila sa buhay na parehong rich kid, huh!

Nagsimula ang exchange of pleasantries ng dalawa nang magpadala sa kanya ng message si Yaya Dub tungkol sa paghanga niya sa kuwento ng pag-ibig nila ni Franco noong nabubuhay ito.

Mukhang may inggit factor pa nga si Maine sa pagsasabing masuwerte nga raw sina Janica at Franco dahil alam niyang mahal na mahal nila ang isa’t isa at napakaganda nilang tingnan bilang magdyowa.

Pinayuhan pa niya ito na ngayong wala na si Franco, maging malakas at matibay dahil alam niyang nasa paligid lang ang kanyang mahal para bantayan siya.

Dahil dito, hindi matapos-tapos ang sobrang pasasalamat naman ni Nam kay Maine na hindi niya mapigilang ilabas sa kanyang IG stories ang tungkol sa mensahang ito ni Yaya Dub.

Siyempre, tuwang-tuwa rin naman ang netizens sa magandang gesture na ito ng Kalyeserye phenomenal star dahil kahit hindi naman niya kilala si Nam personally, nagpakita ito ng sobrang concern sa dalaga na up to now ay hirap pa ring makapag-move on sa pagkawala ng kanyang dyowa. (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?