108

Dec 25, 2017 @ 17:47
By

Maine tumataba, hiyang sa bakasyon

Mega-lantak naman ng seafood si Maine Mendoza bago ang Pasko. Siyempre, nasa America pa rin si Maine, kasama ang mga mahal niya sa buhay.

Pero, aliw na aliw nga ang fans sa boomerang video niya na tuwang-tuwa habang isinasalin sa big plate ang laman ng transparent plastic na puno ng iba’t ibang seafood.

At least, nai-enjoy nang husto ni Maine ang bakasyon niya. At sa pagbabalik niya sa January 1, 2018 sa Eat Bulaga, mas bonggang Maine ang makikita ng AlDub Nation.

Now that active na naman si Maine sa social media, feel na feel na nga ang comeback niya sa TV. So, abang-abang lang dapat ang AlDub Nation.

Pero, marami nga ang nakakapansin na hiyang na hiyang sa bakasyon si Maine, at tumataba na siya. Medyo namumutok na ang pisngi niya, na mas bumagay nga sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?