56

Feb 27, 2020 @ 21:36
By

Maine ‘the one’ na para kay Arjo

Tila mauuwi sa kasalan ang relasyong Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Batay ito sa sagot ng Kapamilya actor tungkol sa tanong kung si Maine na ba ang masasabi niyang kanyang “the one”.

Maiksing “Of course” ang sagot ng aktor.

Nang tanungin naman kung patungo na ba sila sa wedding at engagement, sinabi niyang, “We’ll see.”

Sakali raw magkatotoo, pangarap ni Arjo na maikasal sa edge ng cliff na may nakamamanghang view sa background.

Nag-celebrate na ng kanilang first anniversary sina Maine at Arjo noong December 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?