139

Dec 26, 2019 @ 10:36
By

Maine tawang-tawa kay Wally

“Iba ang tawa” ni aktres-komedyante Maine Mendoza kay Wally Bayola na kasama niyang gumanap sa pelikulang “Mission Unstapabol: The Don Identity.”

Sumang-ayon kasi si Maine sa tweet ng isang netizen na “sumakit ang tiyan katatawa” sa lahat ng mga eksena ni Wally sa nasabing pelikula.

“[A]kala ko sanay na ako sakanya (sic) araw-araw sa Eat Bulaga pero iba din tawa ko sakanya (sic) dito! #MissionUnstapabol” tweet ni Maine ngayong Huwebes, Disyembre 26.

“Aliw na aliw” din daw siya sa palabas at parang “‘di alam ang mga mangyayari” sa pelikula kung saan gumanap siya bilang si “Donna Cruz” at “Claire.”

Kalahok ang nasabing pelikula sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) na ang mga entry ay sinimulang ipalabas sa mga sinehan kahapon, Disyembre 25.

Mapapanood ang mga MMFF 2019 film hanggang Enero 7, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?