35

Feb 28, 2020 @ 19:26

Maine sumabak na sa pagkanta

Ganap nang recording artist si Maine Mendoza.

Ang “Parang Kailan Lang” ang magiging first ever single ng tinaguriang “Dubsmash Queen”.

Tungkol daw ito sa babaeng nire-reminisce ang past niya sa isang tao.

Dati nang sumubok sa pagkanta si Maine nang kantahin niya ang isang awit para sa soundtrack ng pelikula nila ni Alden Richards na “Imagine You and Me”.

Kabado raw si Maine dahil hindi niya alam kung magugustuhan ito ng kanyang mga fan.

“Medyo kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung magugustuhan ba ng mga fan, siyempre yun naman yung gusto ko mangyari di ba. Sana magustuhan nila, yun lang yung hinihiling ko,” sabi ni Maine sa panayam ng showbiz reporter na si Nelson Canlas.

Samantala, hindi pa man nare-release ang bago niyang kanta ay mabenta na ito online.

No. 1 pre-ordered item sa iTunes Philippines ang “Parang Kailan Lang” nitong Feb. 28.

Nakatakda raw itong i-release sa March 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?