205

Dec 5, 2020 @ 13:28
By

Maine sobrang proud kay Arjo

Tuwang-tuwa ang Kapuso actress na si Maine Mendoza para sa kanyang boyfriend na si Arjo Atayde matapos nitong magwaging Best Actor sa 3rd Asian Academy Creative Awards.

Sa Twitter account ni Menggay, makikitang ni-retweet nito ang pagkapanalo ni Arjo.

“Waaaaahhhh well-deserved!!!!! Wooot wooot congratulations, @AtaydeArjo!!!! Biggest fan,” sey ni Maine.

Si Arjo ay nagwagi ng Best Actor award para sa iWant series na ‘Bagman’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?