221

Jan 27, 2020 @ 19:09
By

Maine sobrang nalungkot sa pagpanaw ni Kobe

Kahit hindi basketball fan si Maine Mendoza, sobra itong nalungkot sa pagyao ng NBA legend na si Kobe Bryant at anak na si Gianna.

Nanalangin siya para sa pamilya Bryant lalo na sa naiwang misis ng tinaguriang “Black Mamba”.

Dasal din ang inalay niya para sa mga pamilya ng iba pang namatay sa helicopter crash sa California.

“I honestly know nothing about basketball but I am really saddened by Kobe Bryant and daughter’s demise. Prayers go out to his family, especially his wife, also to the families who lost their loved ones in this horrific tragedy. Life is so short.. and unpredictable,” tweet ni Maine nitong January 27.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?