541

Jul 25, 2018 @ 21:21
By

Maine sasabak sa aktingan kina Coco, Vic

Si Vic Sotto na ang nagkumpirmang kasama si Maine Mendoza sa film festival movie nila ni Coco Martin na ‘Popoy En Jak: The Puliscredibles’ nang makausap ng media sa nakaraang concert ni Celine Dion sa SM Mall of Asia Arena.

“She felt it was a good project. Maganda ‘yung role niya at hindi basta challenging. It’s her first time to do a role na ganito so di kami nagdala­wang isip sa kanya. Pumayag agad siya,” saad ni Vic.

Saad pa ni Bossing, hindi makakasama ni Meng si Alden Richards sa project.

“This is her first time going solo without the loveteam and dito masusubukan ang galing­ sa pag-arte talaga,” paha­yag ni Vic.

Sa unang linggo ng Agosto sisimulan ang shooting ng Vic-Coco entry. Samantala, ngayong araw na ito, Huwebes, ang grand launch ng lipstick shade ni Maine sa Mall of Asia para sa isang international brand ng cosmetics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?