76

By

Maine reyna pa rin ng Twitter PH

Muling nangibabaw si “Eat Bulaga” host Maine Mendoza sa listahan ng mga “most tweeted about accounts” ng Twitter Philippines ngayong 2019.

Sa anunsyo ng Twitter PH, si Maine rin ang “most tweeted about hashtags” sa #MaineMendoza.

Sinundan siya nina Maymay Entrata at Kisses Delavin, sa 2nd at 3rd spots ayon sa pagkakasunod.

Ikaapat naman ang other half ng sikat na tambalang AlDub na si Alden Richards.

Taong 2017 unang dinomina ni Maine ang Twitter PH.

Sa kanyang Twitter account na @mainedcm, nagpasalamat ang TV personality sa mga sumuporta sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?