162
views

By

Maine ‘priceless’ ang pagdalaw sa fan na may cancer

Sharing is caring!

Lumutang muli ang kabutihan ng loob ni Maine Mendoza pagdating sa isa niyang fan na may sakit na cancer. Pagdating sa ganitong sitwasyon, never na pinangalandakan ito ng Phenomenal Star kahit sa kanyang social media account.

Pero hindi napigilan ng anak ng inang binisita ni Meng, si Nina Giselle Lumba, ang picture sa pagbisita sa mother niyang si Emily Lumba sa Instagram niya.

“Maine Mendoza is in the house. Thank you for making my mam happy,” caption ni Nina Giselle sa pic na katabi ni Maine ang ina sa sofa habang kinakausap.

“Your soul is pure, your heart is priceless, and your wisdom is astounding. God bless you both

@LumbaEmily and @mainedcm,” komento ni @ed_mainedcm.

“This is PRICELESS. Nakakaiyak makita how Maine made Emi­ly so happy & important to people who matter to her. Surely Emily felt better seeing Maine in person. God bless you both,” – @dazzbord.

Kasamang bumisita ni Meng sa may sakit na fan ang kanyang ina base sa tweets ng fans niya nakaalam ng ginawa ng kanilang idolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?