344

By

Maine pinarusahan

Sharing is caring!

Puro throwback photos lang ang naglalabasan kina Maine Mendoza at Alden Richards na magkasama. Sa ganitong eksena na nga lang idinadaan ng fans nila ang kaligayahan nila, ang balik-balikan ang masayang nakaraan ng dalawa.

Sa ngayon, hindi pa talaga nagkikita sina Maine at Alden. Wala pang photos nila na lumalabas na magkasama sila.

Si Maine, ang last na photo niya ay nu’ng nag-attend siya ng event na kasama ang manager niyang si Rams David. At si Alden sa Eat Bulaga at sa taping ng Dear Uge.

At ngayong araw na ito, parehong mapapanood si Maine sa TV, pero hindi sila magkasama. Sa Dear Uge nga si Alden, at sa Daig Kayo Ng Lola Ko si Maine.

Anyway, siguradong tututok nang husto ang AlDub Nation, o ang fans ni Maine, ngayon (Dec. 3) sa TV, dahil sa pagbisita niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa episode na pinamagatang Chismosang Osang.

Gagampanan ni Maine ang karakter ni Osang, tindera ng isda sa isang probinsya. Mahilig siya sa kuwentuhan pero ang masama, madalas ang buhay ng iba ang idinadaldal niya.

Ilan sa mga ipinagkalat niyang chismis ay ang kapitbahay daw niyang si Bernardo ay isang aswang; kuripot daw si Mrs. Soriano na nanalo raw ng lotto; at buntis ang kababatang si Andeng. Pati ang pusang itim pinagkalat niyang malas daw na siyang dahilan ng mga hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang bayan.

Dahil dito, parurusahan siya ng isang fairy at lalagyan siya ng invisible na zipper sa kanyang bibig. Paano kaya matatanggal ni Osang ang zipper na ito ngayong hindi siya makapagsalita para makahingi ng tulong?

Makakasama ni Maine sa episode na ito sina Yayo Aguila at Sheena Halili.

Abangan ang mangyayari kay Osang ngayong Linggo (Disyembre 3) sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA Sunday Grande.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?