197

Aug 10, 2019 @ 19:02
By

Maine pinaiyak nina Alden, Kathryn

Inamin ni Maine Mendoza na pinaiyak siya nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ayon kay Maine, magandang pelikula ang “Hello, Love, Goodbye” ng KathDen at dalawang beses na niya itong pinanood.

Binati rin niya sina Alden at Kathryn dahil sa mahusay na pagganap ng dalawa.

Nagbiro pa itong proud siya sa dalawa, na pakiramdam niya, siya ang ina ng mga ito.

“Yes, congratulations kay Kathryn tsaka Alden, maganda! Maganda ‘yung pelikula, mahusay sila. Maganda, dalawang beses ko pa nga pinanood. Teary-eyed, pero proud ako sa kanila. Feeling ko ako ‘yung nagluwal sa kanila, feeling ko ina nila ako na habang nanonood. Ang galing,” sabi ni Maine sa Push report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?