311

Jan 2, 2018 @ 14:12
By

Maine pilit na inilalayo ang sarili kay Alden, dahil kay Jake?

Masaya na ang AlDub Nation dahil matapos ang halos isang buwan nilang agam-agam na kung babalik pa ba sa Eat Bulaga ang kanilang idolo, aba, bumulaga nga ito sa opening number ng nasabing noontime show nitong January 1.

As usual, join ang beauty niya sa Juan for All, All for Juan sa La Paz, Pasig City kung saan kasama pa rin niya ang Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Anjo Yllana, Jimmy Santos, and Paolo Ballesteros.

Pero, marami ang naintriga sa post niya sa Twitter, huh? Kasi nga, pinost niya ang picture nila ng JoWaPao na may caption na, “mga mahal kong kuya.”

Siyempre, walang problema dito, pero ang inaasahan kasi ng karamihan, matapos niyang magbakasyon nang matagal, post ng pic ng AlDub ang kanilang unang makikita.

Sabi tuloy ng iba, talaga raw bang pilit na niyang inihihiwalay ang kanyang sarili sa ka-loveteam niyang si Alden Richards matapos ang kanyang litanya sa open letter?

O, baka may bagong pasabog ang AlDub kaya gusto nila itong surpresahin, kaya pa-miss ang drama nila?

Well, abangan na lang natin, noh! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?