31

By

Maine, naiiyak kapag inaalala ang pagiging estudyante

Sharing is caring!

Inalala ni Dubsmash Queen Maine Mendoza ang mga araw noong nag-aaral pa siya ng college.

Kahapon ay sunod-sunod na tweet ang ipinost ni Mendoza sa aniya’y kanyang rainy-day thought:

“Nakakamiss mag–aral.”

Nami-miss din umano niya ang pagbiyahe ng malayo papuntang school at pag nandoon na ay saka naman isususpinde ang klase.

Aniya, “Badtrip pero nakakamiss!”

Naalala rin ni Mendoza ang paglusob niya sa baha na nakasuot ng uniform gaya ng ibang estudyante.

“Nakakamiss lumusob sa baha ng nakauniform. Badtrip pero nakakamiss.”

Nami-miss din umano ni Mendoza ang mga panahon na araw-araw niyang kasama ang barkada niya at iyong pagpapa-cute niya sa crush niya sa hallway.

Pati na iyong pagdi-daydream nito sa klase ay sinariwa rin nito.

“Nakakamiss yung mga panahong lumilipad yung utak mo habang nagtuturo yung professor tapos bigla kang tatawagin, tapos wala ka masagot.”

May pabiro pa itong hirit na kapag nadadaan siya sa Taft kung saan naroon ang eskuwelahan na pinasukan niya ay naiiyak siya.

“Nakakamiss ang Taft. Pag nadadaan ako doon, naiiyak ako. Charot.”

Nagtapos na may degree ng culinary arts sa De La Salle University-College of St. Benilde si Mendoza bago ito sumikat sa Kalyeserye ng “Eat Bulaga” dahil sa karakter niyang si “Yaya Dub”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?