10

By

Maine nahihiya sa bansag na ‘Phenomenal Star’

Sharing is caring!

Sa kabila ng kanyang kasikatan, hindi ito pumapasok sa isipan ni Maine Mendoza dahil alam umano niyang marami pa siyang dapat matutunan sa showbiz.

Sa grand mediacon ng pelikulang Jack Em Popoy, sinabi ni Maine na nakakaramdam siya ng pagkailang sa tuwing tatawagin siyang “Phenomenal Star.”

“Siguro po iba ‘yung tingin ko sa sarili ko. Saka very surreal pa rin sa akin kung ano ang nakikita ng mga tao sa akin. Ako, nahihiya po ako na ina-acknowledge na gano’n ako,” sabi ni Maine.

“Parang sinasabi nga nila, yung mga bashers, na ganito, ganyan. Sinasabi ko naman na ako yung unang manlalait sa sarili ko. Kasi alam ko yung flaws ko, yung pagkukulang ko,” dagdag pa nito.

Aniya, ganoon umano talaga ang kanyang personality, para na rin manatiling grounded at hindi siya nadadala agad sa mga papuri ng mga tao.

Pero sa ngayon umano ay nakaka-adjust na rin si Maine sa galaw ng showbiz dahil sa araw-araw ay expose ito sa barangay.

Ang barangay na tinutukoy ni Maine ay ang mga lugar na pinupuntahan ng Eat Bulaga hosts kung saan nakikihalubilo at namimigay sila ng mga papremyo sa mga taong nakatira rito.

“So, parang aware na rin ako. Unti-unti ko na rin pong tinatanggap na nandito na po ako sa showbiz,” ani Maine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }