232

Dec 6, 2017 @ 11:20
By

Maine nagbabakasyon lang hindi suspendido sa EB – Vic Sotto

Itinanggi ni Vic Sotto ang balitang suspendido si Maine Mendoza sa Eat Bulaga para pagbigyan ang hiling nitong mamahinga na muna sa showbiz.

Ikinagulat ni Vic ang sitsit lalo’t sa pagkaka-alam niya at ramdam niya gusto lang munang magbakasyon ni Maine malayo sa entertainment world.

Hindi rin raw puwedeng suspendihin ng EB si Maine dahil wala naman itong nagagawang kasalanan o offensive action para bigyan ito ng disciplinary-indefinite leave.

Nauunawaan ni Vic ang pinagdadaanan ni Maine gaya nang pinoste niyang open-letter sa kanyang blog at socmed account para sa kanyang fans.

Sabi pa ni Vic, talaga lang sigurong kailangan nitong magbakasyon muna at makapagpahinga.

Wala raw alam si Vic sa kung anumang pinagdadanan ni Maine bago ito nagpost ng kanyang open-letter sa socmed. Hindi naman raw kasi sila nagkikita nang madalas sa show.

Si Maine ay assigned sa labas ng studio, sa mga barangay, samantalang nasa Studio naman sila ayon pa kay Vic.

Hindi masyadong makapag-comment si controversial na open-letter ni Maine sa AlDub nation lalot’t personal ito nang kasamahan niya sa show.

Nagbigay na lang ng mensahe si Vic na pagbigyan na lang ang kung ano ang gustong gawin ngayon ni Maine.

Hindi nagbigay nang malinaw na update si Vic sa mga tanong ng AlDub nation kung buo pa ang love team nila ni Alden Richards.

Ang sinabi lang ng komedyante, hindi na mawawala ang love team nina Maine at Alden dahil nasa isip at puso na ito ng kanilang mga fans.

Kung ano pa ang susunod na mangyayari kay Maine yun na lang raw ang hintayin dahil ito lang ang nakakaalam sa plano nang huli.

Samantala, atat nang mapabinyagan nang mag-asawang Vic at Pauleen Luna ang baby nilang si Talitha.

Ibinalita ni Vic na ngayong December ang banyag nang bata sa hindi niya sinabi kung saan at anong oras.

Excited nang ipasyal ni Vic sa labas ng bahay nila ang anak lalo’t mahilig sila ni Pauleen na mag-out of town.

Sa paniniwala ni Vic, hindi muna puwedeng ilabas nang bahay o dalhin sa kung saan-saang lugar ang isang sanggol nang hindi pa ito napapabinyagan.

Suspetsa nga namin gaya nang nakagawian na nina Vic at Pauleen, gusto nilang isama sa kanilang paglalamyerda ngayong holidad season si Talitha.

Naka-tsikahan namin si Vic sa presscon para sa lalabas niyang MMFF2017 movie entry na “Meant To Beh” na pinagbibidahan rin ni Dawn Zulueta, kasama sina Baste, Gabbi Garcia, JC Santos, Ruru Madrid, Sue Ramirez, Andrea Torres at Daniel Matsunaga, sa direksyon ni Chris Martinez para sa Octo Arts at M-Zet Films.

Binansagan ni Vic na “seriously funny” ang bagong movie niya dahil maraming kapupulutang aral sa pelikula at talaga namang hitik sa situational at punch line comedy ang project. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?