138

By

Maine ‘Miss Friendship’ na sa ‘Lola’

Sharing is caring!

Dahil sa hiling ng mga apo ni Lola Goreng na muli siyang magkuwento tungkol sa buhay nina Laura Patola & Duwending, kaya isang bonggang episode na naman ang masasaksihan sa Linggo ng gabi sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA 7.

Sa kuwento ay ipakikita na nagbago na si Laura Patola (Maine Mendoza), na mula sa pagiging ‘patolera’ ay Ms. Friendship na siya sa kanilang lugar.

Lalo ngang lumalim ang friendship between Laura at Duwen-Ding. Pero dahil kay Nitoy, nagkaroon uli ng problema sina Duwen-Ding at Laura.

Kinidnap ni Nitoy si Duwen-Ding at nahulog ang kanyang cap. Without the cap, wala ring power si Duwen-Ding’s, pero ayaw maniwala ni Nitoy.

Pinilit ni Nitoy kasama ang utol niyang si Junjun na ilabas ang magic niya, at napaamiin nga nila si Duwen-Ding na nasa cap ang kapangyarihan niya.

Wala namang idea si Laura na nakidnap si Duwen-Ding. At na-shocked siya nang makita na nasa bahay nila ang cap ni Duwen-Ding, kaya naramdaman niyang in danger ang buhay ng friend niya.

Nakuha ni Nitoy ang cap kay Laura matapos ang bakbakan. Desidido sina Laura at Duwen-Ding na bawiin ang cap kay Nitoy, pero wala na ito sa bahay nila.

Pero, bitin ang kuwento ni Lola Goreng dahil nagpahinga na siya sa puntong ito, at nangakong itutuloy ang kuwento paggising niya.

Bukod kay Maine, kasama rin sa episode na ito sina Tina Paner, Michael Flores, Lucho Ayala, Vince Crisostomo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?