58

Mar 31, 2020 @ 8:10
By

Maine Mendoza’s ‘DoNation’ umabot lagpas P500k

Lagpas sa P500,000 ang nakalap na donasyon ni tv host-actress Maine Mendoza para sa kanyang ‘DoNation’ na tutulong sa mga mangagawa at pamilya na apektado ng enhanced community quarantine.

Naka-kalap ng P587,677. 62 ang nalikom na donasyon ni Mendoza para makapagbigay tulong sa 587 pamilya at mga PUV drivers, construction workers, street vendors, service crews, janitors at iba pa.

Pasalamat naman si Mendoza sa lahat ng nakiisa at tumulong sa ‘DoNation’, gayun narin ang mga magigiting na frontliners na lumalaban sa coronavirus disease.

Sambit nito sa 24 oras, “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng health care workers at sa iba pa pong frontliners na talaga naman pong nagsasakripisyo at nagbibigay-serbisyo sa ating bansa at sa mga Pilipino pong nangangailangan sa panahon ng krisis ngayon,”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?