186

Jan 22, 2021 @ 20:22
By

Maine Mendoza ‘Rosalinda’ ni Arjo Atayde

Nagmistulang ‘Rosalinda’ si Kapuso star Maine Mendoza sa kanyang suot para sa kasal ng kanyang kapatid.

Sa Instagram post ni Mendoza, makikita siyang suot ang pulang dress at may pulang bulaklak sa tenga kasama ang nobyo niyang si Arjo Atayde.

“Yesterday’s look for my brother’s wedding,” saad niya sa caption ng naturang post.

Sa hiwalay na post ni Atayde, makikita ang dalawa na tila groom at bride sa mga kuhang litrato.

“You’ll just know,” ani Atayde sa caption ng kanyang post.

Taong 2018 nang mapabalitang pinopormahan ni Atayde ang aktres.

Ipinagdiwang naman ng dalawa ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan noong Disyembre 21, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?