426

Nov 27, 2017 @ 11:52
By

Maine Mendoza, pack-up na sa showbiz?

Trending ang isang message posting ni Maine Mendoza sa kanyang blog kung saan naglabas ng kanyang hinaing sa estado niya ang social media phenomenal star at sinabing hindi na siya masaya kahit marami siyang natatanggap na biyaya.

Sinabi ni Maine na ‘yun ay dahil sa dikta ng mga tao sa gusto niyang gawin. Kaya naman nagdesisyon siyang maging malaya, dedmahin ang iba at sundin ang anumang gusto niya.

mainemendoza.com, “Dumating ‘yung araw na naramdaman ko na para bang hindi na ako masaya. Na kahit sandamakmak ang biyaya ang natatanggap ko, nawala na ‘yung ligaya sa puso ko. Hindi ko na makita ‘yung tuwa sa mga ngiti ko at kinang sa mga mata ko.

“Hanggang sa napagtanto ko na iyon pala ay dahil ilang mga tao ang nakapaligid sa akin. ‘Yung mga taong akala ko ay tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa akin. Mahirap, nahihirapan akong dinidiktahan ng mga dapat kong gawin at maramdaman.

“Napagtanto ko na nakokompromiso na ‘yung kalayaan at kaligayahan ko. At hindi ko kayang mamuhay ng ganon. I want to be able to do what I want and what makes me happy because I believe that is how life should be.

“I do not want to compromise my own happiness for other people’s desire. So this time, I am choosing myself. Ako naman..”

Isa sa mga pumik-up ng shout out na ito ni Maine ay si Ai Ai delas Alas na pinoste pa ang screenshots ng buong mensahe ni Yaya Dub sa kanyang Instagram wall.

Tuwang-tuwa si Ai Ai sa mensahe ni Maine na para sa kanya ay dapat lang sundin ng “Eat Bulaga” host ang kung ano ang makakapagpaligaya sa kanya.

@msaiaidelasalas, “May nagbalita lang saken sa blog ni maine and binasa ko…Go girl!! Whatever makes you happy support kita and same with alden…sabi mo kahit 10 lang ang fans mo..bec. (because) of this pang-11 ako..(lalo na 11/11 bday ko hehehe mema lang)…

“THE SECRET OF HAPPINESS IS FREEDOM AND THE SECRET OF FREEDOM IS COURAGE. GOD BLESS YOU.”

Hindi tinukoy sa blog ni Maine kung ano at paano siya dinidiktahan ng ilang mga taong nakapaligid sa kanya para mapigilan ang ninanais niyang kaligayahan.

Well, ang iba ay ipinipilit na ang aandap-andap na pagtuloy-tuloy ng lovelife nila ni Alden Richards ang dahilan ng post ni Maine, pero naniniwala naman ang iba na may kinalaman ito sa iba pang gustong gawin ng huli sa kanyang karera at personal na buhay. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?