726

Dec 3, 2017 @ 9:18
By

Maine Mendoza isang buwang mawawala

KUMPIRMADO ngang umalis si Maine Mendoza papuntang America sa unang araw pa lang ng December. Halos buong buwan daw ng December ay nasa U.S. ito.

Ang napag-alaman namin, after ilang years din naman na dire-diretsong nag-trabaho si Maine, this is the only time na magkakaroon ito ng mahaba-habang bakasyon. Kaya umpisa ng buwan ng Kapaskuhan, umpisa na rin ng Christmas vacation for her.

Siyempre, posibleng marami ang nagkokonek sa tila biglaan at matagal na bakasyon ni Maine sa ginawa nitong open letter sa mga fans. Posible rin naman at malaki rin ang posibilidad na nasaktan nang husto ang half of AlDub dahil sa mga masasakit din na salitang binitawan ng mga fans sa kanya.

Pero, ang alam namin, walang dapat ipag-alala ang mga totoong tagahanga ni Maine at ng Aldub. Hindi naman forever mamamalagi si Maine sa America. Hindi rin naman totoo ang kumakalat na balitang tatalikuran na niya ang showbiz.

Ang totoo lang, maaga at mas mahaba ang magiging Christmas vacation niya ngayon. Kaya kung isang buwan siguro, posibleng isang buwan siyang hindi mapapanood sa Eat Bulaga.

Kasamang umalis ni Maine ang mommy niya at next week, ang ibang miyembro na ng pamilya nila ang sama-samang magbabakasyon sa U.S. Wala na rin si Maine sa Christmas special ng GMA-7 kasama sana si Alden Richards.

While Alden naman ay magbabakasyon din sa Japan with his family. Hanggang Christmas na rin ito dun.

Babalik pa rin si Maine and who knows baka isa na siya sa sumalubong sa pagpasok ng Bagong Taon. Sa isang banda, hindi kaya maganda na rin ang nangyaring ito na matagal-tagal mawawala si Maine. Na sana ang mga AlDub na ngayon ay nagra-rally at diumano’y united for them e, mag-isip-isip na rin.

Ang mga iniidolo nila ay mga tao rin na may sariling puso, may sariling pag-iisip at buhay.

Grateful ang mga ito sa paghanga at suporta nila, pero, huwag nilang saklawan ang totoong kaligayahan. Huwag magpaka-bossy na feeling entitled na sila ang masusunod.

Personally, naniniwala kaming ang totoong tagahangang sumusuporta, mas gugustuhin na mag-grow ang mga iniidolo nila. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?