32
JACK-EN-POPOY
By

Maine Mendoza game mag-guest sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Sharing is caring!

Handa raw mag-guest si Maine Mendoza sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Ito ang ipinahayag ng aktres na unang nakilala bilang Yaya Dub sa ‘Eat Bulaga’.

Bahagi si Maine ng pelikulang ‘Jack Em Popoy: Da Puliscredibles’ nina Coco Martin at Vic Sotto.

Sa panayam kay Maine kagabi ni Mario Dumaual ng TV Patrol, ipinahayag ng aktres/TV host ang labis na kagalakan na mapabilang sa naturang pelikula.

“Sobrang grateful at sana ay maulit muli,” pakli niya.

Nang tanungin naman kung bukas ba siyang mag-guest sa top rating show ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano, ito ang sinabi ng talented na Dabarkads:

Pahayag ni Maine. “Kung papayagan po ako, bakit po hindi.”

Ang naturang pelikula ay kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay handog ng M-Zet, APT, at CCM Productions, mula sa pamamahala ni Direk Michael Tuviera.

Bukod kina Vic, Coco, at Maine, tampok din sa Jack Em Popoy: Da Puliscredibles sina Ronaldo Valdez, Cherie Pie Picache, Baeby Baste, Jose Manalo, Wally Bayola, Mark Lapid, PJ Endrinal, Ryza Cenon, at Tirso Cruz III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?