1,243

Dec 22, 2017 @ 12:37
By

Maine masabaw ang alindog ngayon sa Miami, Florida

Siguradong mabubulabog naman ang socmed sa bagong pasabog ng millenial big star na si Maine Mendoza.

Nagpasilip uli ng kanyang kaseksihan ang Eat Bulaga host sa bago nyang posting sa Instagram account nya.

Makikita sa IG wall ni Maine nasa isang resort o beach front sya sa South Beach, Miami, Florida.

Nasa itaas ng lifeguard post si Maine nakasuot ng two piece bikini.

Nasa ibaba ng lifeguard post ang kumukuha ng shot kay Maine kaya naman buung-buo ang pagka-capture sa larawan ng actress-host.

Base sa larawan, mas maalindog ngayon ang kaseksihan ni Maine kumpara sa mga unang posting nya ng bikini body nya last year.

Mas curvy o kurbada ang katawan ngayon ng aktres.

Ang suwerte ng mga lalakeng nagnanasa sa alindog ng aktres dahil malaya nilang napagpapantasyahan ang makatas na kagandahan nito.

Kung sa telebisyon at commercial ads, wholesome ang image ni Maine, sa likod ng kamera at social media palaban sa bikini body ang phenomenal social media star.

Siguradong hahakot na naman ng compliment comments at remarks ang host sa latest bikini shot na hindi na namin pinagtatakhan dahil talaga namang masabaw ang alindog nito.

Ang mga ganitong sexy moment ni Maine sa likod ng kamera ay isa lang sa mga totoong character nang aktres, ang mai-express nya ang sarili sa anumang paraan nya gusto nang walang nagdidikta.

Pag bumalik sa limelight at Eat Bulaga si Maine posibleng makakaramdam ang lahat ng pagbabago sa kanyang aura at image. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?