440

Jan 2, 2018 @ 18:23
By

Maine mamahalin ang b-day gift kay Alden

Number one trending ang hashtag na #AldenRichardsAt26 habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng Pambansang Bae sa Eat Bulaga. Hindi namin natapos ang buong show, pero nakita namin ang bahagi na kung saan isang malaking cake ang iniregalo ni Maine Mendoza sa kanyang ka-loveteam.

Sabi nga ni Jose Manalo, iba raw talaga kapag magbigay ng regalo si Maine, mamahalin. Dinagsa ng pagbati ang social media account ni Alden, pero wala pa kaming balita kung paano niya ise-celebrate ang kanyang 26th birthday.

Ayon sa ilang taong malapit sa Kapuso actor, wala namanh plano pa si Alden. Ang gusto lang daw niya ay makasama ang kanyang pamilya.

Ang wish lang naman daw niya sa kanyang kaarawan ay mawala na raw sana ang hate at bashing.

“I’ve been blessed sa three years na narito ako sa longest running noontime show. Pero ang talaga ko pong wish, mawala na ‘yung too much hate sa mga tao na hindi na po natin naiisip ang kabutihan ng iba.

“Tulad nga nu’ng sabi ng nag-text sa akin kaninang umaga, sabi niya ‘do more of what makes you happy’.” (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?