308

Dec 23, 2017 @ 16:01
By

Maine mala-hamon ang ‘boobey’ sa IG

Sa loob lang ng tatlong oras, halos umabot na sa 150,000 likes ang sexy backless photo ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram. Half body lang ‘yon na ang buong likod nga niya ang ipinasilip niya.

At bongga rin na parang sa loob ng isang oras, 1,000 ang comments, kaya sa loob ng tatlong oras, mahigit sa 3,000 na ang komento na mababasa mo, na lahat ay halos sambahin na ang kaseksihan ng kanilang idolo.

Pero, sa IG stories naman niya, may pa-hamon naman si Maine. Half body pa rin ‘yon, pero ang harap naman ang masisilip mo. Sa kitid ng bikini top (bra) na suot niya, halos lumuwa rin sa gilid ang kanyang boobey, ha!

Anyway, super-countdown na nga ang AlDub Nation sa pagbabalik showbiz ni Maine na inaasahan nga na magaganap sa January 1, 2018 sa live telecast ng Eat Bulaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?