239

Dec 2, 2017 @ 11:31
By

Maine lumayas pa-Amerika?

Lalong nadagdagan ang lungkot ng karamihan sa AlDub fans, lalo na ‘yung mga solid kay Maine Mendoza dahil sa balitang umalis kahapon ng bansa ang tinaguriang phenomenal star ng “Eat Bulaga”.

Sa USA raw ang destination ni Maine at sabi, ilang malalapit na fans ang kasama sa mga naghatid sa kanya kahapon sa airport.

Naiintindihan daw ng karamihan sa solid fans ni Maine ang desisyon niyang magbakasyon muna para matahimik kahit paano sa pamba-bash ng ibang AlDub fans dahil sa open letter na inilabas niya kung saan ay nilinaw niyang FRIENDS at LOVETEAM lang sila ni Alden Richards.

Mismong ang ilang fans na naghatid daw kay Maine sa airport ang nagsabi na wala na nga ang ka-loveteam ni Alden, pero ayaw daw magsalita ng mga ito kung saan exactly sa USA ang punta ng kanilang idolo.

Samantala, isang kilalang malapit na malapit kay Maine na pinagkakatiwalaan nito ang nakausap namin kahapon at inusisa tungkol sa sinasabing pag-alis daw pa-USA ng phenomenal star, pero wala itong maikuwento sa amin.

“After nu’ng open letter na inilabas ni Maine, hindi pa kami nagkakausap. Hinahayaan ko muna na makapagpahinga siya, so, wala akong alam tungkol sa sinasabing pag-alis niya,” sey ng kausap namin.

So, malaking palaisipan ngayon kung totoo nga bang umalis pa-USA kahapon si Maine, huh!

Samantala, pagkatapos ng tinaguriang ‘white rally’ ng AlDub fans sa labas ng Broadway studio ng “Eat Bulaga” noong Thursday, nagsisugod pa pala sa McDonald’s branch ni Maine sa Bulacan ang ilang fans niya at kinausap ang tatay ng phenomenal star.

Nag-iyakan daw ang fans ni Maine sa kanyang tatay, si Daddy Teddy Mendoza o si Tatay Dub at gusto ng mga ito na pigilan ng tatay niya si Maine sa sinasabing balak ng dalaga na pagku-quit sa showbiz.

Well…

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?