686

Dec 29, 2017 @ 17:17
By

Maine kinaiinisan na sa social media; Ipokrita raw at hindi sincere

Mukhang maraming netizens ang hindi na natutuwa sa mga ginagawa ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza. Simula noong naglabas ito ng open letter na nagsasabing walang namamagitan sa kanila ni Alden Richards, sunod-sunod ang mga bashing na natatanggap na nito sa social media.

Nitong huli ay ang pag-post ni Maine ng isang photo kunsaan sumakay siya ng roller coaster. Nag-wacky face siya at nilagyan niya ng LOL sa kanyang butas ng ilong.

Ayon sa ilang netizens na nag-comment, kung noon ay naaaliw sila sa ginagawa na ito ni Maine, ngayon ay hindi na.

Kabilang sa mga natanggap niyang comments ay ‘Wala nang career’, ‘Wala nang bagong maipakita’, ‘Hindi consistent’, ‘Hypocrite’, ‘Hindi na interesting’, ‘Nakakainis na siya’, ‘Hindi na nakakatawa’, ‘Nakakabwiset na’, ‘Walang sincerity’.

Pero, sa pagbalik ni Maine sa Eat Bulaga on January 1, 2018 may fans pa rin ang sabik na makita siya ulit pagkatapos ng halos isang buwan na wala sa show.

Pero may ilan naman ang nagsasabing hindi na kailangan pang bumalik ni Maine sa Eat Bulaga dahil hindi na raw siya kailangan doon.

Kinaaliwan na kasi ang pagsugod bahay ng tatlong lola na sina Nidora, Tidora at Tinidora. Kahit wala raw si Maine doon ay inaabangan ito ng marami at tila hindi na raw hinahanap ito.

May iba rin na nagsa-suggest na huwag nang ituloy ang second na pelikula nila ni Alden dahil nangangambang mag-flop ito, lalo na’t si Maine na mismo ang bumasag sa AlDub loveteam.

Pero tingnan pa rin natin kung nandoon pa rin ang magic ng isang Maine Mendoza sa pagbalik nito sa January 1. Doon makikita kung may spark pa ba sa tambalan nila ni Alden. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?