16

Feb 26, 2021 @ 20:11
By

Maine kay Arjo: Sobrang proud ako sa’yo!

Sa bihirang pagkakataon ay umapir si Maine Mendoza sa event ng ABS-CBN.

Sinorpresa niya upang batiin ang nobyong si Arjo Atayde matapos mag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network nitong Biyernes.

Sa taped message na ibinahagi ng Star Magic sa YouTube at ni-retweet ng ilang netizen, kita ang gulat sa mukha ni Atayde nang batiin siya ni Maine.

“Hi bab! Oh ako lang ‘to ‘wag ka masyadong magulat. Congratulations on your eight years [to] Star Magic. I wish you more success in your career, more projects, more challenging and exciting roles. And please know that I am always here for you and with you, and I’m always right behind you to give you my 110% support in everything that you do, and also to celebrate every milestone with you, like this one,” sambit ni Mendoza sa video, na ipinalabas sa ginanap na virtual contract signing event na “Kapamilya Strong”.

“There’s so much in store for you, that I know for sure. Pero ngayon pa lang, sasabihin ko na sobrang proud ako sa ‘yo — sa mga narating mo at sa mga mararating mo pa. Just keep doing what you love. ‘Yun lang, congratulations and love you,” dagdag ni Mendoza.

Malaking ngiti naman ang namutawi kay Atayde sabay sabing “unexpected ‘yun ah.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?