276

Oct 30, 2017 @ 9:34

Maine idinawit sa kasinungalingan

By ROSE GARCIA

ITINAWAG agad namin sa manager ni Maine Mendoza na si Rams David ang kumakalat na reklamo sa social media na diumano ay may naghihimutok na fan dahil pumila raw nang matagal ang nanay niya noong book launching ni Maine ng ‘Yup, I Am That Girl’, pero hindi pinirmahan ang libro nito.

Ang siste raw, may number raw ito na pang-64, pero hindi raw tinawag at sinabing sa halip na dapat ay 300 books ang pipirmahan ni Maine, naging 40 books lang.

Noong una pa lang namin itong malaman, even before confirming Rams, naniniwala na kami agad na hindi ito totoo. Nag-stay kami sa Trinoma at kami mismo, nagtaka na magsasara na halos ang mall, pero ang dami pa rin tao sa activity center, may pa-games pa rin at ‘yun nga, pumipirma pa rin ng libro si Maine!

So, paanong 40 lang ang pinirmahan nito? Eh, sa mga nakita pa lang namin, tantiya namin agad mahigit sa 300 na ang pinirmahan nito. Nakita pa namin nu’ng ang handler ni Maine, habang nasa backstage pa ito at hindi pa tinatawag, kinukuha ang mga libro ng mga hindi halos nakapasok sa loob at pinipirmahan ni Maine sa backstage.

Nang tanungin nga namin si Rams tungkol dito, mabilis na, “No, of course not! Sa backstage pa lang, hindi pa siya nauupo sa harapan for the autograph signing, more than 300 copies na ang napirmahan niya.”

Ayon dito, umabot daw ng thousands ang librong pinirmahan ni Maine noong launching lang.  Tila hindi natiis ni Maine na hanggang 300 books lang talaga ang pirmahan dahil overwhelmed nga ito sa nakitang mga taong madaling-araw pa lang, nandoon na at nag-aabang.

Kaya say nga niya, kung sila raw, nagawang pumunta sa Trinoma, ano raw ba naman ‘yung pipirma lang siya.

Hindi na masagot ni Rams kung ano ang totoo sa nagsasabing hindi napirmahan o hindi natawag ang numero ng nanay niya. Kung totoo man daw siguro ito, malamang ang puwede na lang makasagot sa pangyayaring ‘yun ay ang Summit Media na nag-publish ng libro o ang organizer ng event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?