1,158

By

Maine, hindi na babalik sa Eat Bulaga?

Sharing is caring!

BALIK-TRABAHO na ang Pambansang Bae na si Alden Richards kahapon, Miyerkules.

Lumabas din ng hospital si Alden noong Martes kaya dalawang araw lang itong na-confine dahil sa food poisoning.

Sa pagkaka-confine nga na ‘yun ni Alden, na-move ang taping ng Dear Uge kunsaan, siya ang special guest at taping dapat noong Martes.

The latest we heard, ngayong araw na ito ng Huwebes itutuloy ang taping ng show ni Eugene Domingo at sa halip na pinalitan na lang, talagang hinintay pa rin ng production na maging available si Alden.

‘Yun nga lang, mukhang kung si Alden ay nakapag-report na sa Eat Bulaga, ang ka-loveteam nito na si Maine Mendoza naman ang tila missing in action.

Hmmm… may kinalaman pa rin kaya ang naging open letter ni Maine o may ibang importanteng ganap para i-miss niya ang Bulaga? Hindi naman siguro for life ang pagkawala niya o pag-ayaw niya?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?