52

By

Maine gaya-gaya sa paandar ni Patricia Tumulak

Sharing is caring!

Winalis ni Patricia Tumulak ang lahat ng takot niya sa pagkalula nang mag-skydive mula sa tuktok ng Palm Jumeirah habang nasa Dubai, UAE.

Ang skydiving video niyang ‘yon ay kanyang inilabas sa kanyang YouTube video.

“Do one thing that scares you. JUMP,” caption ni Patty sa foto sa Instagram niya.

Saad naman niya sa experience niyang ‘yon, “I’d do it again over a million times.”

Anyway, si Patricia ang bagong dagdag na cast sa ‘Super Ma’am’ bilang alter ego ni Super Ma’am Marian Rivera, huh!

Hayan, hindi na nag-iisa si Maine Mendoza sa EB Dabarkads na sumalang sa skydiving, huh!

Pero teka, may nang-iintriga, sino raw ba ang nauna sa kanila sa skydiving? Gaya-gaya nga ba si Maine kay Patricia? Naku, wala namang kumpetisyon sa kanilang dalawa, ha! (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?