135

Dec 20, 2017 @ 16:12
By

Maine, fresh at masayang-masaya

Maganda na naman ang gising ng fans ni Maine Mendoza kahapon, dahil umaga palang, nagparamdam na ang idolo nila. Nag-post na nga sa kanyang IG story si Maine at this time, may picture na siya, kasama ang mga kapatid niya, ha!

Sa photo ay makikita na sama-sama sila (apat) na nakasakay sa rollercoaster na ang tema ay The Incredible Hulk sa Universal Island of Adventure.

Ang mga nakakaaliw na mga mukha nila, na puro nakanganga, dahil sa impact ng rollercoaster ang makikita. Larawan ng kaligayahan ang face ni Maine ngayon, at yes mukhang nakapag-relax talaga siya, ha!

“Dean’s first ever rollercoaster ride! We are all so proud,” sabi ni Maine.

“By far my favorite rollercoaster. Intense!” caption pa ni Maine.

Ilang days na lang at babalik na si Maine sa Pilipinas, at sa January 1, 2018, siguradong dadagsa ang AlDub Nation sa Broadway Centrum, dahil ‘yun nga ang unang araw ng pagbabalik ni Maine, mula sa ilang linggong pagkawala sa sirkulasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?