166

Nov 26, 2019 @ 21:49
By

Maine feeling ballerina

Umastang ballet dancer si Maine Mendoza sa isang picture niyang naka-post sa Instagram.

Caption ni Meng, “On point(e)! #meme.” Suot niya ang tutu skirt at ballet shoes habang nakatingkayad.

Sa kasunod niyang post, lalabas siyang ballerina sa Christmas episode ng “Daig Kayo ng Lola Ko”.

Ito ang ikatlong beses na niyang lumabas sa GMA Sunday magical anthology.

Bumuhos ang paghanga mula sa ilang celebrities sa bagong paandar ng Phenomenal Star.

“Taray!!!” komento ni Pauleen Luna Sotto.

“I hope that’s not too painful,” saad naman ni Ryan Agoncilllo.

“Ballerina ka na???” tanong ni Ruby Rodriguez.

“Wow!!!” komento naman ni Cristine Babao.

Ilang oras after ma-post ni Maine ang lirato, umabot na sa mahigit 100K likes ito, huh!

View this post on Instagram

On point(e)! #eme

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?