358

By

Maine dedma sa rally ng AlDub Nation

Sharing is caring!

NAG-TRENDING ang #Aldub124thWeeksary kahapon dahil sa mga AlDub Nation.

Mas naging passionate pa ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza simula nang maglabas ng open letter si Maine noong Linggo, followed by her absence in Eat Bulaga at ang pakiramdam nila, threat na mabuwag na nang tuluyan ang AlDub.

Nag-rally ang fans sa labas ng Broadway Centrum habang nakasuot ng kulay puti. At pina-trending talaga nila sa Twitter.

Unfortunately, wala pa rin si Maine sa Eat Bulaga at may balita pang tila gusto muna nitong mag-leave. Pero itinanggi ng nanay ni Maine ang naturang balita.

Sa gitna ng pagra-rally ng mga fans, may fan ang AlDub na tumawag sa nanay ni Maine na si Nanay Dub at nagbunyi ang fans nang sabihin nito ang message ng nanay ni Maine that, ‘Maine will stay’.

Wala rin si Alden sa Eat Bulaga dahil nang magkasakit ito at na-confine sa hospital, na-move ang taping ng Dear Uge kahapon.

Anyway, malinaw ang sinabi ni Maine sa open letter niya, gusto nitong irespeto ng fans ang totoo at gusto nitong gawin naman kung ano ang gusto niya at makakapagpasaya sa kanya.

So siguro, kung totoong tagahanga talaga, respetuhin kasi na bilang mga artista, may buhay sila bilang mga tao, labas sa pagiging artista.

Bilang AlDub naman, ibinibigay naman ng dalawa ang best nila. Ibang usapan naman kasi ‘yung pilitin pang maging sila sa totoong buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?