66

By

Maine, Coco magkamag-anak, hindi talo

Sharing is caring!

Tsugi na kaagad ang ilusyon ng maraming fan na may posibilidad na maging magdyowa sina Maine Mendoza at Coco Martin sa totoong buhay kahit nali-link ang una kay Arjo Atayde at ang huli naman ay hindi pa rin matigil ang tsika sa kanila ni Julia Montes.

Sina Maine, Coco at Arjo ay magkakasama sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles na panlaban ng APT Entertainment/CCM Film/ M Zet Productions sa darating na MMFF 2018 na dinirek ni Mike Tuviera.

Paano nga naman magiging sina Maine at Coco, eh, malayong magkamag-anak pala ang dalawa, huh! Nalaman pa nila ito nang magkaroon ng family reunion ang kani-kanilang pamilya kung saan pareho silang dumalo.

Two weeks nga raw bago magsimula ang shooting ng Jack Em Popoy ay nadiskubre nila ang kanilang blood relationship. Nagtanong-tanong raw sila pareho sa kanilang kamag-anak kung saan totoo nga na sila ay related sa isa’t isa.

Malayo na nga ang kanilang blood relationship, pero sa kultura nating Pinoy, taboo ang maging magdyowa ang ganito although nangyayari rin naman ito.

Kaya nga raw hindi na sila nagtataka kung bakit sila pareho na ganun kasipag sa kanilang trabaho dahil may pinanggagalingan pala ito.

Anyway, masaya si Maine na mas nakilala niya ang kanyang kamag-anak at ganun din naman si Coco.

Kaya nga, kahit sweetah-sweetah sila sa movie, sa personal na buhay ay hindi sila talo, noh! Korekek!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?