1,117

Jan 3, 2018 @ 17:43
By

Maine ayaw nang magpa-sweet, magpaka-plastik sa harap ni Alden

Makahulugan ang naging birthday wish ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa naging birthday celebration niya sa Eat Bulaga sa actual birthday niya noong January 2.

Hindi man niya direktang sinabi kung ano ang pinaghuhugutan ng wish niya, naniniwala kaming matatalino ang fans ngayon at mararamdaman nila kung ano ang pinanggalingan ng wish ni Alden to stop the hate.

Aniya, “Ang wish ko lang po, sana matanggal na ang hate. Sana matanggal na ‘yung hate sa puso ng mga tao kasi ang daming puwedeng ipagpasalamat araw-araw.”

Simple lang din na idinaos ni Alden ang kanyang kaarawan, nagpakain lang siya sa kanyang restaurant, sa Concha’s sa ilang malapit na kaibigan, kabilang na ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga at APT.

At dun, ‘di nawala si Maine Mendoza na kung sa Eat Bulaga ay magka-split screen sila, sa treat ni Alden, magkasama na sila. Actually, may nabasa nga kami na gusto naming sang-ayunan. After what happened last year, parang mas naa-appreciate pa raw niya ang anumang meron between Maine and Alden ngayon. Kahit na sabihin pang ‘friendship’ ito, at least, mas alam daw nila na real ang dalawa sa isa’t isa. Lalo na si Maine na nagpapakatotoo talaga sa harap ni Alden, at ganun din naman ang binata.

Kumbaga, hindi na sila ‘yung pa-sweet talaga para lang sa fans nila. Ngayon, kung ano sila sa likod ng kamera, ipinapakita na nila.

Ang pa-birthday treat naman ni Alden para sa kanyang fans ay magaganap sa Enchanted Kingdom sa Sabado, January 6, ang One Fun Day with the Bae @EK. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?