966
Maine, Arjo naispatan sa Star City
By

Maine, Arjo naispatan sa Star City

Nakita sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa isang sikat na theme park na nag-viral sa social media.

Noong March 20, lumabas ang mga video kung saan makikitang todo-enjoy si Maine sa pakikihalubilo sa mga fan habang isang lalaking naka-face mask ang nakabantay sa Eat Bulaga host.

Base sa side profile ng lalaki, malinaw na si Arjo Atayde ang nasabing lalaki na kasama ni Maine na nasa harap ng photo booth.

Kasama pa umano sa nasabing date ang kapatid ni Maine na si Coleen Mendoza at handler na si Mike Uycoco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?