111

Nov 4, 2017 @ 13:44

Maine apektado sa Selena-Justin ‘balikan’

Apektado ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa balitang nagbalikan sina Selena Gomez at Justin Bieber. Kumpirmado kasi na naghiwalay na sina Selena at ang singer- boyfriend nito for 10 months na si Abel Tesfaye a.k.a. The Weeknd.

Bago kumalat ang balitang hiwalay na ang dalawa, nag-viral ang photo nina Selena at Justin na kumakain sa isang restaurant sa Los Angeles. Galing daw sila sa isang church service at nagkayayaan na kumain.

Nakita rin ang dalawa na masayang nagbibisikleta sa LA.

Kabilang si Maine sa nag-tweet tungkol kina Selena at Justin. Obvious na fan si Maine ng dalawa at gusto niyang maging true ang balita na nagkabalikan na sila.

Heto ang mga tweets ni Maine:

“Idk how to feel about this huhu tanggap ko na kasi ang Abelena and I love both Abel and
Selena as individuals so ewan affected ako bat ba?”

“Kung saan at kung kanino happy si Selena support ako kasi diba ganun naman dapat.” Pero nagbigay na ng pahayag ang rep ni Selena na hindi raw si Justin ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Abel kundi ang kawalan ng oras nila sa isa’t isa.

Si Justin daw ay nag-renew lang ng friendship niya sa ex na si Selena at pareho sila ng ina-
attend-an na church. (RUEL MENDOZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?