421

Dec 5, 2017 @ 15:23
By

Maine at Alden ‘hiwalay’ wagi sa ratings

Parehong waging-wagi sa ratings sina Alden Richards at Maine Mendoza last Sunday.

Inabangan nga ng fans pareho kung magkiklik ang mga project nila kahit magkahiwalay sila.

Anyway, winner nga si Alden sa Dear Uge, na kung saan ay humamig siya ng 5.7% rating kumbaga sa kalaban na Banana Sundae na nakakuha lang ng 3.9%.

Si Maine naman sa Daig Kayo Ng Lola Ko na nakakuha ng 9.9% versus Little Big Shots na may 8.8% at Wansapanataym na 7.6%.

Ito nga ay base sa NUTAM Overnight Ratings ng Nielsen Philippines. At for sure, magri-release rin ang ABS CBN ng ratings nila na mula naman sa Kantar Media.

Pero siyempre nagbunyi ang fans ng dalawa, na bumenta ang projects ng kanilang mga idolo, kahit magkahiwalay ang mga ito.

Bumaha nga ng congratulations para sa dalawa sa Twitter, sa pa-hashtag nilang #ALDUBBagongAraw.

Ano ang meaning ng Bagong Araw para sa kanila? Bagong simula na siyempre ay dasal nila na dapat magkasama pa rin ang dalawa.

Meaning malaki pa rin ang paniniwala ng AlDub Nation na sa huli, o sa 2018, magkakaroon ng bagong simula, at magiging sila pa rin sa ending.

Pero teka, ngayong parehong nagklik ang mga project nila na hindi sila magkasama, baka naman magsunod-sunod na nga ito, at gumawa na sila ng kanya-kanyang project, na iba naman ang mga kasama?

Well… (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?