212

Jul 13, 2021 @ 19:18
By

Maika Rivera: Hindi ako third party ni Aljur

Mariing itinanggi ng aktres na si Maika Rivera na siya ang dahilan ng hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Nagpadala ng video sa vlog ni Ogie Diaz si Rivera para ipagtanggol ang sarili hinggil sa isyu.

“To be honest, kung bakit ako ang naituturong third party, hindi ko po talaga alam kung saan po nanggagaling ‘yon. Ang naiisip ko lang po is nag-comment po kasi ako sa isang post ni Kuya Aljur and Kapampangan pa po ang comment ko about ‘yung earrings niya. … I guess from there may mga nag-comment na, nag-speculate, and then pumutok ‘yung isyu. So ako po siguro ang naituro,” pahayag ni Maika.

“I can honestly say with my whole heart na hindi po ako ‘yung third party. Nangyari na po sa akin ‘yan, at nangyari na rin po sa malapit sa akin, at ayaw ko pong maging ganun. Hindi po ako ‘yun. Malaki po ang respeto ko at mataas po ang respeto ko kay Ate Kylie. Napakaganda niya pong babae, napaka-strong niya po. So never po talaga, hindi ko po gagawin ‘yun,” dagdag pa ng aktres.

Minsan ng nagkasama sa isang serye sina Maika at Aljur na pinamagatang ‘Sandugo,’ kung saan kasama rin si Diaz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?